Ang lahat ay nakaplano na. Kung nasaktan ka dahil hindi ka mahal ng taong mahal mo, huwag kang matakot na magmahal muli, sapagkat di mo malalaman ang pakiramdam ng tunay na pag-ibig, kung di mo susubukan.

Lahat ay kayang lampasan ng pag-ibig. Kung di ka masasaktan, di ka matututo. Hindi naman sa lahat ng panahon ay nandyan ang sakit. Sapagkat ang sakit ay parte lamang ng mga pagsubok. Huwag mong hanapin ang pag-ibig, hayaan mong ang pag-ibig ang maghanap sa'yo. Kaya nga tinatawag itong "nahulog sa pag-ibig",hindi mo kontrolado ang pagkakataon, nahulog ka lang.
Gaya ng pagbabasa, hindi mo matatapos ang isang libro kung di mo tutuldukan ang naunang pahina. Kung gusto mong malaman ang katapusan ng istorya, kailangan mong iwan ang nakakaraan.

Ang pag-ibig ay hindi namamatay sa isang simpleng pagkakamali. At lalong hindi ito nabubuhay sa isang simpleng yakap. Ito ay isang panghabambuhay na byahe na ating tatahakin habang tayo ay tumatanda.
Kaya naman, ang pinakamahalagang metapora ng pag-ibig ay ang lumayo kung kailangang ipaglaban at ipaglaban kung kailangang lumayo. Pinapalitan ng tadhana ang inaakalang pag-ibig sapagkat may mas dakila pa pala na naghihintay sa tabi-tabi.
Kung nahulog ka at nasaktan, gamitin mo ang panahon upang maghilom ang sugat. At kung magaling ka na, muling maglakbay. Kasabay ng pag-asa ay ang pagsugal sa kabiguan. Ang mabuhay ay pagsugal sa kamatayan. Ang pagtataya para sa minamahal ay nangangailangan ng tunay na tiwala. At kasabay sa pagsugal sa pag-ibig ay ang nakatayang sakit na makakamit.
Ano nga ba talaga ang pag-ibig?
Mahulog ngunit huwag madapa.
Magtiwala ngunit huwag magkompyansa.
Magbigay at huwag magdamot.
Masugatan ngunit huwag masaktan.












